Psalms 35:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit ako, nang sila'y may sakit, ay nagsuot ako ng damit-sako; dinalamhati ko ang aking sarili ng pag-aayuno. Sa dibdib ko'y nanalanging nakayuko ang ulo,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kapag silaʼy nagkakasakit akoʼy nalulungkot para sa kanila; nagdaramit ako ng sako at nag-aayuno pa. At kung ang aking dalangin para sa kanilaʼy hindi sinasagot,
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit tungkol sa akin, nang silay may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko, nagdaramit-luksa at nag-aayuno; at nananalangin na yuko ang ulo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko, nagdaramit-luksa at nag-aayuno; at nananalangin na yuko ang ulo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kapag sila'y may sakit, ang ginagawa ko, nagdaramit-luksa at nag-aayuno; at nananalangin na yuko ang ulo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.