Psalms 38:7 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat nag-iinit ang aking mga balakang, at walang kaginhawahan sa aking laman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumasakit ang buo kong katawan, at bumagsak na rin ang aking kalusugan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dumapong lagnat ko'y apoy na sa init, lumulubhang lalo ang taglay kong sakit.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ang aking mga balakang ay lipos ng hirap; at walang kagalingan sa aking laman.