Psalms 62:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng panahon, o bayan; ibuhos ninyo ang inyong puso sa kanyang harapan; para sa atin, ang Diyos ay kanlungan. (Selah)
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kayong mga mamamayan ng Dios, magtiwala kayo sa kanya sa lahat ng oras! Sabihin sa kanya ang lahat ng inyong suliranin, dahil siya ang nag-iingat sa atin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Magsitiwala kayo sa kaniya buong panahon, kayong mga bayan; buksan ninyo ang inyong dibdib sa harap niya; Dios ay kanlungan sa atin. (Selah)
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas. (Selah)
Tagalog TLBA (Ang Biblia)