Psalms 63:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit magagalak sa Diyos ang hari; lahat ng sumusumpa sa pamamagitan niya ay magpupuri, sapagkat ang bibig ng mga sinungaling ay patitigilin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Matutuwa ang hari sa ginawa ng Dios sa kanya. Matutuwa rin ang mga nangako sa Panginoon. Ngunit ang lahat ng sinungaling ay patatahimikin ng Panginoon!
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit ang hari ay magagalak sa Dios: bawat sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagkat ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahilan sa iyo, O Diyos, ang hari ay magdiriwang, kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan. Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahilan sa iyo, O Diyos, ang hari ay magdiriwang, kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan. Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahilan sa iyo, O Diyos, ang hari ay magdiriwang, kasama ng mga tapat magpupuring walang hanggan. Ngunit silang sinungaling, bibig nila ay tatakpan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.