Psalms 69:14 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
sagipin mo ako sa paglubog sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; iligtas mo ako sa aking mga kaaway mula sa tubig na may kalaliman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan. Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig.