Revelation 1:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ang pitong gintong ilawan; ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya; at ang pitong ilawan ay ang pitong iglesya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito ang ibig sabihin ng pitong bituin na nakita mo sa kanang kamay ko at ang pitong ilawang ginto: ang pitong bituin ay ang pitong anghel na nagbabantay sa pitong iglesya, at ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay, at ng pitong kandelerong ginto. Ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesia: at ang pitong kandelero ay ang pitong iglesia.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito ang kahulugan ng pitong ilawang ginto at ng pitong bituing hawak ko. Ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya at ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito ang kahulugan ng pitong ilawang ginto at ng pitong bituing hawak ko. Ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya at ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tungkol naman sa hiwaga ng pitong bituing hawak ko sa aking kanang kamay at sa pitong ilawang ginto: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesya at ang pitong ilawang ginto ay ang pitong iglesya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)