Revelation 12:10 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit na nagsasabi, "Ngayo'y dumating ang kaligtasan at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kanyang Cristo, sapagkat itinapon na ang tagapagparatang sa ating mga kapatid na siyang nagpaparatang sa kanila sa harapan ng ating Diyos, araw at gabi.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Dios sa mga tao. Ipinapakita na niya ang kanyang kapangyarihan bilang hari at ang awtoridad ni Cristo na kanyang pinili. Sapagkat pinalayas na mula sa langit ang umaakusa sa ating mga kapatid sa harap ng Dios araw at gabi.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayoy dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagkat inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanilay nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang lakas bilang Hari! Ipinamalas din ni Cristo ang kanyang kapangyarihan! Sapagkat itinapon na mula sa langit ang nagpaparatang sa mga kapatid natin, araw at gabi, sa harapan ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayo'y dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang kaharian ng ating Dios, at ang kapamahalaan ng kaniyang Cristo: sapagka't inihagis na ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid na siyang sa kanila'y nagsusumbong sa harapan ng ating Dios araw at gabi.