Revelation 12:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Kordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, sapagkat hindi nila inibig ang kanilang buhay maging hanggang sa kamatayan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit natalo na siya ng ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Tupa at ng katotohanang ipinangangaral nila. Hindi sila takot na ialay ang kanilang buhay alang-alang sa kanilang pananampalataya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At siyay kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan sapagkat hindi nila pinanghinayangan ang kanilang buhay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagtagumpay ang mga ito laban sa diyablo sa pamamagitan ng dugo ng Kordero, at sa pamamagitan ng kanilang pagpapatotoo sa salita ng Diyos; at buong puso nilang inialay ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At siya'y kanilang dinaig dahil sa dugo ng Cordero, at dahil sa salita ng kanilang patotoo, at hindi nila inibig ang kanilang buhay hanggang sa kamatayan.