Revelation 14:13 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, "Isulat mo ito: Mapapalad ang mga patay na namamatay sa Panginoon mula ngayon." "Oo," sinasabi ng Espiritu, "sila'y magpapahinga sa kanilang mga gawa, sapagkat ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos, may narinig akong tinig mula sa langit na nagsasabi, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga taong namatay na naglilingkod sa Panginoon. Mula ngayon, makakapagpahinga na sila sa mga paghihirap nila, dahil tatanggapin na nila ang gantimpala para sa mabubuti nilang gawa. At ito ay pinatotohanan mismo ng Banal na Espiritu.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang silay mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagkat ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, “Isulat mo: Mula ngayon, pinagpala ang mga namamatay na naglilingkod sa Panginoon!” At sinabi ng Espiritu, “Totoo nga silang pinagpala! Magpapahinga na sila sa kanilang mga pagpapagal; sapagkat sinusundan sila ng kanilang mga gawa.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.