Revelation 14:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sila'y nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono, at sa harapan ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda. Walang sinumang natuto ng awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libo lamang, na tinubos mula sa lupa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang 144,000 tao ay umaawit sa harap ng trono, ng apat na buhay na nilalang, at ng mga namumuno. Bago ang kanilang awit at walang nakakaalam maliban sa kanila na 144,000 na tinubos mula sa mundo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay nangagaawitan na wariy isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na put apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng mga pinuno. Walang makaunawa sa awit na iyon kundi ang 144,000 na tinubos mula sa sanlibutan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng mga pinuno. Walang makaunawa sa awit na iyon kundi ang 144,000 na tinubos mula sa sanlibutan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sila'y umaawit ng isang bagong awit sa harap ng trono, at sa harap ng apat na nilalang na buháy at sa harap ng matatandang pinuno. Walang matututong umawit sa awit na iyon kundi ang isandaan at apatnapu't apat na libong (144,000) tinubos mula sa daigdig.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili mula sa lupa.