Revelation 14:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At isa pang anghel, ang pangalawa, ay sumunod na nagsasabi, "Bumagsak, bumagsak ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat ng bansa ng alak ng poot ng kanyang pakikiapid."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kasunod namang lumipad ang pangalawang anghel na sumisigaw, “Bumagsak na! Bumagsak na ang dakilang lungsod ng Babilonia! Ang mga mamamayan nito ang humikayat sa mga tao sa buong mundo na sumunod sa imoralidad nila na kinamumuhian ng Dios.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng tao ng alak ng kanyang kahalayan!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia! Pinainom niya ang lahat ng tao ng alak ng kanyang kahalayan!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sumunod naman ang ikalawang anghel na nagsasabi, “Bumagsak na! Bumagsak na ang makapangyarihang Babilonia, na nagpainom sa lahat ng mga bansa ng alak ng kanyang kahalayan!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang iba, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat na bansa ng alak ng kagalitan ng kaniyang pakikiapid.