Revelation 16:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
at nilait nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nagsisi sa kanilang mga gawa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi pa rin nila pinagsisihan ang mga kasamaan nila, sa halip ay nilapastangan nila ang Dios ng kalangitan dahil sa mga sakit at sugat na tinitiis nila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At silay namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
at nilapastangan nila ang Diyos dahil sa dinaranas nilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
at nilapastangan nila ang Diyos dahil sa dinaranas nilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at sinumpa nila ang Diyos ng langit dahil sa kanilang hirap at tinamong mga pigsa. Ngunit hindi rin sila nagsisi at tumalikod sa masasama nilang gawain.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sila'y namusong sa Dios ng langit dahil sa kanilang mga hirap at sa kanilang mga sugat; at hindi sila nangagsisi sa kanilang mga gawa.