Revelation 17:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari, na hindi pa tumatanggap ng kaharian; subalit sila'y tatanggap ng kapangyarihan bilang mga hari sa loob ng isang oras, kasama ng halimaw.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Ang sampung sungay na nakita mo ay ang sampung hari na hindi pa naghahari. Bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ang halimaw sa loob lang ng maikling panahon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwat magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit mamamahala silang kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Ang sampung sungay na nakita mo ay sampung haring hindi pa naghahari, ngunit bibigyan sila ng kapangyarihang maghari kasama ng halimaw sa loob ng isang oras.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang sangpung sungay na iyong nakita ay sangpung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng kaharian; datapuwa't magsisitanggap sila ng kapamahalaang paghahari na isang oras na kasama ng hayop.