Revelation 18:10 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y tatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kanya, na nagsasabi, "Kahabag-habag, kahabag-habag ang dakilang lunsod, ikaw na makapangyarihang lunsod ng Babilonia! Sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tatayo lang sila sa malayo at magmamasid dahil takot silang madamay sa parusa sa lungsod na iyon. Sasabihin nila, ‘Sayang! Sayang ang sikat at makapangyarihang lungsod ng Babilonia. Sa loob lang ng maikling panahon ay naparusahan siya!’
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagkat sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tatayo lang sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang matatag na lunsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa dakila at makapangyarihang lunsod ng Babilonia!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tatayo lang sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang matatag na lunsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa dakila at makapangyarihang lunsod ng Babilonia!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Tatayo sila sa malayo sapagkat takot silang madamay sa dinaranas niyang parusa. Sasabihin nila, “Kalagim-lagim! Kalagim-lagim ang dakilang Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Sa loob lamang ng isang oras ay naganap ang parusa sa kanya!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nangakatayo sa malayo dahil sa takot sa pahirap sa kaniya, na nangagsasabi, Sa aba, sa aba ng dakilang bayang Babilonia, ng bayang matibay! sapagka't sa isang oras ay dumating ang hatol sa iyo.