Revelation 18:6 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at bayaran ninyo ng makalawang ulit ang kanyang mga gawa; sa kopang kanyang pinaghaluan ay inyong ipaghalo siya ng makalawang ulit.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niyang masama sa inyo. Gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa. Kung ano ang ginawa niyang masama sa inyo doblehin ninyo at ibigay sa kanya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa inyo, gumanti kayo nang higit pa sa kanyang ginawa. Punuin ninyo ang kanyang kopa ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa inyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa inyo, gumanti kayo nang higit pa sa kanyang ginawa. Punuin ninyo ang kanyang kopa ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa inyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Gawin ninyo sa kanya ang ginawa niya sa iba, gumanti kayo nang doble sa kanyang ginawa. Punuin ninyo ang kanyang kopa ng inuming higit na mapait kaysa inihanda niya sa iba.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ibigay din ninyo ang ayon sa ibinigay niya sa inyo, at ibayuhin ninyo ng ibayo sa kaniyang mga gawa: sa sarong kaniyang pinaghaluan ay ipaghalo ninyo siya ng ibayo.