Revelation 18:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't sa loob ng isang araw ay darating ang mga salot sa kanya, kamatayan, pagluluksa at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humatol sa kanya."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil dito, sabay-sabay na darating sa kanya sa loob lang ng isang araw ang mga salot: mga sakit, kalungkutan, at gutom. Pagkatapos, susunugin siya, sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Dios na nagpaparusa sa kanya.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kayat darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siyay lubos na susunugin sa apoy; sapagkat malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil dito, sabay-sabay na daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw: sakit, dalamhati, at taggutom; at tutupukin siya ng apoy. Sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil dito, sabay-sabay na daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw: sakit, dalamhati, at taggutom; at tutupukin siya ng apoy. Sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil dito, daragsa sa kanya ang mga salot sa loob ng isang araw: sakit, dalamhati, at taggutom; at tutupukin siya ng apoy. Sapagkat makapangyarihan ang Panginoong Diyos na humahatol sa kanya.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kaya't darating sa isang araw ang mga salot sa kaniya, kamatayan at pagluluksa, at gutom; at siya'y lubos na susunugin sa apoy; sapagka't malakas ang Panginoong Dios na humatol sa kaniya.