Revelation 19:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ng anghel sa akin, "Isulat mo: Mapapalad ang mga inanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero." At sinabi niya sa akin, "Ito ang mga tunay na salita ng Diyos."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: Mapalad ang mga inimbitahan sa handaan sa kasal ng Tupa.” At sinabi pa niya, “Totoo ang mga sinasabing ito ng Dios.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga itoy siyang tunay na mga salita ng Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya, “Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: mapalad ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya, “Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At sinabi sa akin ng anghel, “Isulat mo ito: pinagpala ang mga inanyayahan sa kasalan ng Kordero.” Idinugtong pa niya, “Ito ay tunay na mga salita ng Diyos.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinasabi niya sa akin, Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero. At sinasabi niya sa akin, Ang mga ito'y siyang tunay na mga salita ng Dios.