Revelation 2:26 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa bawat nagtatagumpay at tumutupad ng aking mga gawa hanggang sa wakas, ay bibigyan ko ng pamamahala sa mga bansa;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sapagkat ang mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban ko hanggang sa wakas ay bibigyan ko ng kapangyarihang mamahala sa mga bansa, tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. Mamamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa gaya ng pagdurog sa palayok.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa magtatagumpay at tutupad ng kalooban ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa magtatagumpay at tutupad ng ipinapagawa ko hanggang wakas, ibibigay ko sa kanya ang pamamahala sa mga bansa.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa: