Revelation 21:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok na puno ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin na nagsasabi, "Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal, ang asawa ng Kordero."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na nagbuhos ng laman ng kanilang mga sisidlan, na siyang pitong panghuling salot. Sinabi niya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal sa Tupa.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na mga puno ng pitong huling salot; at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang babaing kasintahan, ang asawa ng Cordero.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na puno ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang isa sa pitong anghel na may dalang pitong mangkok na punô ng pitong huling salot ay lumapit sa akin. Sabi niya, “Halika, at ipapakita ko sa iyo ang babaing mapapangasawa ng Kordero.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)