Revelation 22:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay naroon ang punungkahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan; at ang mga dahon ng punungkahoy ay para sa pagpapagaling sa mga bansa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
at umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng lungsod. Sa magkabilang tabi ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng 12 beses sa isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon nito ay ginagamit sa pagpapagaling sa mga bansa.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang ibat ibang bunga, na namumunga sa bawat buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
at umaagos sa gitna ng lansangan ng lunsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay may punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ang bunga nito'y iba-iba bawat buwan, at nakapagpapagaling naman sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
at umaagos sa gitna ng lansangan ng lungsod. Sa magkabilang panig ng ilog ay ang punongkahoy na nagbibigay-buhay. Ito'y namumunga ng labindalawang (12) uri ng bunga, isang uri sa bawat buwan. Nakapagpapagaling sa sakit ng mga tao ang mga dahon nito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa.