Revelation 22:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sinabi niya sa akin, "Huwag mong gawin iyan! Ako'y kapwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero sinabi niya sa akin, “Huwag! Huwag mo akong sambahin. Sapagkat katulad mo, alipin din ako ng Dios at ng mga katulad mong propeta, at ng lahat ng sumusunod sa mga nakasulat sa aklat na ito. Ang Dios ang sambahin mo!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: akoy kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sinabi niya, “Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sinabi niya, “Huwag! Ako ma'y alipin ding tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit sinabi niya, “Huwag mong gawin iyan! Ako ma'y aliping tulad mo, at tulad din ng iyong mga kapatid na propeta at ng lahat ng sumusunod sa mga salita sa aklat na ito. Ang Diyos ang sambahin mo!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako'y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito: sumamba ka sa Dios.