Revelation 5:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang aklat na may sulat sa loob at sa likod, na tinatakan ng pitong tatak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pagkatapos nito, nakita ko ang nakarolyong kasulatan na hawak-hawak ng nakaupo sa trono sa kanang kamay niya. May nakasulat sa magkabilang panig nito, at may pitong selyo para hindi mabuksan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatan na may sulat ang loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakita ko sa kanang kamay ng nakaupo sa trono ang isang kasulatang nakabalumbon, na may sulat sa loob at labas at sinarhan ng pitong selyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nakita ko sa kanang kamay niyaong nakaupo sa luklukan ang isang aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng pitong tatak.