Revelation 5:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkakuha niya sa aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawampu't apat na matatanda ay nagpatirapa sa harapan ng Kordero na ang bawat isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng insenso, na siyang mga panalangin ng mga banal.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang kunin niya iyon, lumuhod sa harap ng Tupa ang apat na buhay na nilalang at ang 24 na namumuno at sumamba sa kanya. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na gintong sisidlan na puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga pinabanal. May alpa rin silang tinutugtog,
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangput apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawat isay may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat na pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na puno ng insenso na siyang mga panalangin ng mga banal.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang ito'y kunin niya, nagpatirapa sa harapan ng Kordero ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampu't apat (24) na matatandang pinuno. Bawat isa'y may hawak na alpa at may gintong mangkok na punô ng insenso na siyang mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At pagkakuha niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawangpu't apat na matatanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Cordero, na ang bawa't isa'y may alpa, at mga mangkok na ginto na puno ng kamangyan, na siyang mga panalangin ng mga banal.