Revelation 6:17 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kanilang pagkapoot, at sino ang makakatagal?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sapagkat dumating na ang araw na parurusahan nila ang mga tao, at walang sinumang makakapigil sa kanila.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sapagkat dumating na ang malagim na araw ng pagbubuhos nila ng kanilang poot, at sino ang makakatagal?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sapagkat dumating na ang malagim na araw ng pagbubuhos nila ng kanilang poot, at sino ang makakatagal?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sapagkat dumating na ang kakila-kilabot na araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makakatagal sa harap nito?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't dumating na ang dakilang araw ng kanilang kagalitan; at sino ang makatatayo?