Revelation 6:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang buksan niya ang ikatlong tatak, narinig ko ang ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, "Halika!" At nakita ko, ang isang kabayong itim; at ang nakasakay rito ay may isang timbangan sa kanyang kamay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang tanggalin ng Tupa ang ikatlong selyo, narinig kong sinabi ng ikatlong buhay na nilalang, “Halika!” At nakita ko ang isang itim na kabayo. Ang nakasakay ay may hawak na timbangan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang buksan niya ang ikatlong tatak, ay narinig ko sa ikatlong nilalang na buhay, na nagsasabi, Halika. At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maitim; at yaong nakasakay dito ay may isang timbangan sa kaniyang kamay.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Inalis ng Kordero ang pangatlong selyo, at narinig kong sinabi ng pangatlong buháy na nilalang, “Halika!” Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Inalis ng Kordero ang pangatlong selyo, at narinig kong sinabi ng pangatlong buháy na nilalang, “Halika!” Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang alisin ng Kordero ang pangatlong selyo, narinig kong sinabi ng pangatlong buháy na nilalang, “Halika!” Isang kabayong itim ang nakita ko at may hawak na timbangan ang nakasakay dito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)