Revelation 8:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Dumating ang isa pang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong lalagyan ng insenso; at binigyan siya ng maraming insenso, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng trono.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
May isa pang anghel na lumapit sa altar, dala ang isang gintong lalagyan ng insenso. Binigyan siya ng maraming insenso para maisama niya sa mga dalangin ng lahat ng mga pinabanal ng Dios at maihandog sa gintong altar sa harap ng trono.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At dumating ang ibang anghel at tumayo sa harap ng dambana, na may hawak na isang gintong pangsuob ng kamangyan; at binigyan siya ng maraming kamangyan, upang idagdag ito sa mga panalangin ng lahat ng mga banal sa ibabaw ng dambanang ginto, na nasa harapan ng luklukan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo naman sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kalakip ng dalangin ng mga hinirang ng Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dumating ang isa pang anghel na may dalang gintong sunugan ng insenso at tumayo sa harap ng dambana. Binigyan siya ng maraming insenso upang ihandog sa dambanang ginto na nasa harap ng trono, kasabay ng mga panalangin ng mga hinirang ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)