Revelation 9:19 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig at nasa kanilang mga buntot; ang kanilang mga buntot ay katulad ng mga ahas, na may mga ulo; at sa pamamagitan ng mga ito'y nakakapaminsala sila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa bibig at buntot nila. Ang buntot nila ay may mga ulo na parang mga ahas, at ito ang ginagamit nila sa pananakit ng mga tao.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagkat ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at nasa kanilang mga buntot na parang ahas at may ulo na siyang ginagamit nila sa pananakit.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at nasa kanilang mga buntot na parang ahas at may ulo na siyang ginagamit nila sa pananakit.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sapagkat ang kapangyarihan ng mga kabayo'y nasa kanilang mga bibig at mga buntot. Ang kanilang mga buntot ay parang ahas na may ulo, na siyang ginagamit nila sa pananakit ng tao.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa kanilang bibig, at nasa kanilang mga buntot; sapagka't ang kanilang mga buntot ay kawangis ng mga ahas, at may mga ulo; at siya nilang ipinananakit.