Revelation 9:7 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong inihanda para sa digmaan, at sa kanilang mga ulo ay mayroong gaya ng mga koronang ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ang mga balang ay parang mga kabayong nakahanda sa digmaan. May nakapatong sa mga ulo nila na parang koronang ginto. Ang mga mukha nila ay parang mukha ng tao.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang anyo ng mga balang ay katulad ng mga kabayong nahahanda sa pagbabaka; at sa kanilang mga ulo ay gaya ng mga putong na katulad ng ginto, at ang kanilang mga mukha ay gaya ng mga mukha ng mga tao.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mga balang ay parang mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sila'y may putong na parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mga balang ay parang mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sila'y may putong na parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang anyo ng mga balang ay tulad sa mga kabayong handa na sa pakikipagdigma. Sa kanilang ulo ay may parang koronang ginto, at parang mukha ng tao ang kanilang mukha.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)