Romans 10:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Subalit hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, "Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, “Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagkat sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit hindi lahat ay tumanggap sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit hindi lahat ay tumanggap sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming mensahe?”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit hindi lahat ay sumunod sa Magandang Balita, gaya ng sinulat ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming ibinalita?”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't hindi silang lahat ay nakinig ng masasayang balita. Sapagka't sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?