Romans 11:25 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Upang kayo'y huwag magmarunong sa inyong sarili, mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang hiwagang ito, na ang pagmamatigas ay nangyari sa isang bahagi ng Israel hanggang makapasok ang buong bilang ng mga Hentil.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang isang katotohanan na ngayon ko lang ihahayag sa inyo, para hindi maging mataas ang tingin nʼyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng mga Judio ay hindi panghabang panahon. Itoʼy hanggang makumpleto lang ang kabuuang bilang ng mga hindi Judio na sasampalataya kay Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayoy mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay pansamantala. Tatagal lamang iyon hanggang sa mabuo na ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay pansamantala. Tatagal lamang iyon hanggang sa mabuo na ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mga kapatid, isang hiwaga ang nais kong malaman ninyo upang hindi maging mataas ang palagay ninyo sa inyong sarili. Ang pagmamatigas ng Israel ay sa isang bahagi lamang hanggang sa mabuo ang takdang bilang ng lahat ng mga Hentil na lalapit sa Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't hindi ko ibig, mga kapatid, na di ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo'y mangagmarunong sa inyong sariling mga haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel, hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga Gentil;