Romans 14:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
May taong nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa iba, ngunit may iba namang nagpapahalaga sa bawat araw. Hayaang mapanatag ang bawat tao sa kanyang sariling pag-iisip.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang mga araw. May tao namang pare-pareho lang para sa kanya ang lahat ng araw. Ang bawat tao ang bahalang magpasya para sa kanyang sarili tungkol sa bagay na iyan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawat araw. Bawat isay magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
May nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa na tama ang kanyang pasya tungkol sa bagay na ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
May nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa na tama ang kanyang pasya tungkol sa bagay na ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
May nagpapahalaga sa isang araw nang higit kaysa ibang mga araw. May naniniwala namang pare-pareho ang lahat ng araw. Dapat tiyakin ng bawat isa kung ano ang kanyang pasya tungkol sa bagay na ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
May nagmamahal sa isang araw ng higit kay sa iba: may ibang nagmamahal sa bawa't araw. Bawa't isa'y magtibay sa kaniyang sariling pagiisip.