Romans 4:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng pagiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya na nasa kanya nang siya'y di pa tuli. Ang layunin ay upang siya'y maging ama ng mga sumasampalataya, bagaman sila'y di tuli, at upang ang pagiging matuwid ay maibilang din sa kanila,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Tinuli siya bilang tanda na itinuring na siyang matuwid dahil sa kanyang pananampalataya. Kaya si Abraham ay naging ama ng lahat ng mga mananampalatayang hindi tuli. At dahil nga sa kanilang pananampalataya, itinuring silang matuwid ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siyay nasa di-pagtutuli: upang siyay maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman silay nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Tinuli siya bilang tanda na siya'y itinuring na matuwid ng Diyos, dahil sa pananampalataya niya noong hindi pa siya tuli. Kaya't siya'y naging ama ng lahat ng sumasampalataya sa Diyos, at sa gayon, sila'y pinawalang-sala rin kahit hindi sila tinuli.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Tinuli siya bilang tanda na siya'y itinuring na matuwid ng Diyos, dahil sa pananampalataya niya noong hindi pa siya tuli. Kaya't siya'y naging ama ng lahat ng sumasampalataya sa Diyos, at sa gayon, sila'y pinawalang-sala rin kahit hindi sila tinuli.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang kanyang pagtutuli ay naging tanda na siya'y itinuring na matuwid ng Diyos dahil sa pananampalataya niya noong hindi pa siya tuli. Kaya't siya'y naging ama ng lahat ng mga sumasampalataya sa Diyos, at sa gayon, sila'y itinuring na matuwid kahit hindi sila tinuli.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At tinanggap niya ang tanda ng pagtutuli, na isang tatak ng katuwiran ng pananampalataya na nasa kaniya samantalang siya'y nasa di-pagtutuli: upang siya'y maging ama ng lahat ng mga nagsisisampalataya, bagaman sila'y nasa di-pagtutuli, upang ang katuwiran ay maibilang sa kanila;