Romans 4:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? "Sumampalataya si Abraham sa Diyos, at iyon ay ibinilang sa kanya na katuwiran."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
dahil sinasabi sa Kasulatan, “Sumampalataya si Abraham sa Dios, at dahil ditoʼy itinuring siyang matuwid ng Dios.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniyay ibinilang na katuwiran.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos; at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos; at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ano ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos na matuwid.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ano ang sinasabi ng kasulatan? At sumampalataya si Abraham sa Dios, at sa kaniya'y ibinilang na katuwiran.