Romans 9:32 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bakit? Sapagkat hindi nila pinagsikapan iyon batay sa pananampalataya, kundi batay sa mga gawa. Sila'y natisod sa batong katitisuran,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Bakit sila nabigo? Sapagkat nagtiwala sila sa kanilang mga gawa at hindi sila sumampalataya kay Jesu-Cristo. Natisod sila sa “batong nakakatisod.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Bakit? Sapagkat hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Silay nangatisod sa batong katitisuran;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Natisod sila sa batong katitisuran,
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya. Natisod sila sa batong katitisuran,
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Bakit? Dahil sinikap nilang kalugdan sila ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa, at hindi sa pamamagitan ng pananampalataya. Natisod sila sa batong katitisuran,
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;