Ruth 2:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sinabi ni Naomi sa kanyang manugang, "Pagpalain nawa siya ng PANGINOON, na hindi ipinagkait ang kanyang kagandahang-loob sa mga buhay at sa mga patay." At sinabi sa kanya ni Naomi, "Ang lalaking iyon ay isa nating kamag-anak, isa sa pinakamalapit nating kamag-anak."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ni Naomi kay Ruth, “Pagpalain nawa ng Panginoon si Boaz. Ipinapakita niya ang kanyang kabutihan sa mga taong buhay pa at sa mga patay na.” At sinabi pa niya, “Si Boaz na sinasabi mo ay malapit nating kamag-anak; isa siya sa may tungkuling mangalaga sa atin.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ni Noemi sa kaniyang manugang: Pagpalain nawa siya ng Panginoon, na hindi ikinait ang kaniyang kagandahang loob sa mga buhay at sa mga patay. At sinabi ni Noemi sa kaniya, Ang lalaking yaon ay isa sa mga kamaganak na malapit natin, isang pinakamalapit na kamaganak natin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't sinabi ni Naomi, “Pagpalain nawa siya ni Yahweh na hindi nakakalimot sa kanyang pangako sa mga buháy at sa mga patay.” Idinugtong pa niya, “Malapit nating kamag-anak ang taong iyon, isa sa mga may tungkuling mangalaga sa naiwan ng mga yumao.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't sinabi ni Naomi, “Pagpalain nawa siya ni Yahweh na hindi nakakalimot sa kanyang pangako sa mga buháy at sa mga patay.” Idinugtong pa niya, “Malapit nating kamag-anak ang taong iyon, isa sa mga may tungkuling mangalaga sa naiwan ng mga yumao.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't sinabi ni Naomi, “Pagpalain nawa siya ni Yahweh na hindi nakakalimot sa kanyang pangako sa mga buháy at sa mga patay.” Idinugtong pa niya, “Malapit nating kamag-anak ang taong iyon, isa sa mga may tungkuling mangalaga sa naiwan ng mga yumao.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)