Titus 3:15 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga umiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya nawa ang sumainyong lahat.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa mga kapatid diyan na nagmamahal sa amin. Pagpalain nawa kayong lahat ng Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa lahat ng kapatid sa pananampalataya. Pagpalain kayong lahat ng Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa lahat ng kapatid sa pananampalataya. Pagpalain kayong lahat ng Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kinukumusta ka ng mga kasama ko rito. Ikumusta mo rin kami sa lahat ng kapatid sa pananampalataya na nagmamahal sa atin. Nawa'y sumainyong lahat ang kagandahang-loob ng Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa pananampalataya. Biyaya ang sumainyo nawang lahat.