Zechariah 11:12 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sinabi ko sa kanila, "Kung inaakala ninyong mabuti, ibigay ninyo sa akin ang aking sahod. Ngunit kung hindi, inyo na iyon." Sa gayo'y kanilang tinimbang bilang aking sahod ang tatlumpung pirasong pilak.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi ko sa kanila, “Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang.” Kaya binayaran nila ako ng 30 pirasong pilak bilang sahod ko.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayoy kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sinabi ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sinabi ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi ko sa kanila, “Kung gusto ninyong ibigay ang aking sahod, salamat; kung ayaw ninyo, sa inyo na lang.” At binigyan nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayo'y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak.