Zechariah 3:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Pagkatapos, ipinakita niya sa akin si Josue na pinakapunong pari na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kanyang kanan upang paratangan siya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ipinakita sa akin ng Panginoon ang punong pari na si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ng Panginoon. Nakatayo naman sa gawing kanan niya si Satanas upang paratangan siya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ipinakita niya sa akin si Josue na pangulong saserdote na nakatayo sa harap ng anghel ng Panginoon, at si Satanas na nakatayo sa kaniyang kanan upang maging kaniyang kaaway.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ipinakita sa akin ni Yahweh ang pinakapunong paring si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh. Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ipinakita sa akin ni Yahweh ang pinakapunong paring si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh. Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ipinakita sa akin ni Yahweh ang pinakapunong paring si Josue na nakatayo sa harapan ng anghel ni Yahweh. Siya ay paparatangan ni Satanas na noo'y nasa kanyang kanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)