Zechariah 8:17 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Huwag kayong magpanukala ng masama sa inyong puso laban sa isa't isa, at huwag ninyong ibigin ang kasinungalingang sumpa, sapagkat ang lahat ng mga ito ay aking kinapopootan, sabi ng PANGINOON."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Huwag kayong magbalak ng masama laban sa inyong kapwa, at huwag kayong susumpa ng kasinungalingan dahil ang lahat ng iyan ay aking kinapopootan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagkat ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa at huwag magsisinungaling, sapagkat nasusuklam ako sa mga ito.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa at huwag magsisinungaling, sapagkat nasusuklam ako sa mga ito.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Huwag kayong magbabalak ng masama laban sa inyong kapwa at huwag magsisinungaling, sapagkat nasusuklam ako sa mga ito.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At huwag magisip ang sinoman sa inyo ng kasamaan sa inyong puso laban sa kaniyang kapuwa; at huwag ninyong ibigin ang sinungaling na sumpa: sapagka't ang lahat ng ito ay mga bagay na aking kinapopootan, sabi ng Panginoon.