bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
1 Samuel 11
1 Samuel 11
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 10
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 12 →
1
Pagkalipas ng halos isang buwan sumalakay si Nahas na Ammonita at kinubkob ang Jabes-gilead; at sinabi kay Nahas ng lahat ng lalaki sa Jabes, "Makipagkasundo ka sa amin, at kami ay maglilingkod sa iyo."
2
Ngunit sinabi ni Nahas na Ammonita sa kanila, "Makikipagkasundo ako sa inyo kung ipadudukit ninyo sa akin ang inyong mga kanang mata upang mailagay sa kahihiyan ang buong Israel."
3
At sinabi sa kanya ng matatanda ng Jabes, "Bigyan mo kami ng palugit na pitong araw upang kami ay makapagpadala ng mga sugo sa buong nasasakupan ng Israel. At kung wala ngang magliligtas sa amin, ibibigay namin ang aming sarili sa iyo."
4
Nang dumating sa Gibea ang mga sugo kay Saul, ibinalita nila ang bagay na ito sa pandinig ng taong-bayan at ang buong bayan ay umiyak nang malakas.
5
Noon, si Saul ay dumarating mula sa bukid sa hulihan ng mga baka; at sinabi ni Saul, "Anong nangyayari sa taong-bayan at sila'y umiiyak?" Kaya't kanilang sinabi sa kanya ang balita ng mga lalaki mula sa Jabes.
6
At ang Espiritu ng Diyos ay makapangyarihang lumukob kay Saul nang kanyang marinig ang mga salitang iyon, at ang kanyang galit ay lubhang nag-alab.
7
Siya'y kumuha ng dalawang magkatuwang na baka at kanyang kinatay, at ipinadala niya ang mga piraso sa lahat ng nasasakupan ng Israel sa pamamagitan ng mga sugo, na sinasabi, "Sinumang hindi lumabas upang sumunod kina Saul at Samuel ay ganito rin ang gagawin sa kanyang mga baka." At ang takot sa PANGINOON ay dumating sa mga tao, at sila'y lumabas na parang iisang tao.
8
Nang kanyang tipunin sila sa Bezec, ang mga anak ni Israel ay tatlongdaang libo, at ang mga lalaki ng Juda ay tatlumpung libo.
9
At sinabi nila sa mga sugong dumating, "Ganito ang inyong sasabihin sa mga lalaki sa Jabes-gilead, 'Bukas, sa kainitan ng araw ay magkakaroon ng kaligtasan.'" Nang dumating ang mga sugo at sabihin sa mga lalaki sa Jabes, sila ay natuwa.
10
Kaya't sinabi ng mga lalaki sa Jabes, "Bukas ay ibibigay namin ang aming sarili sa inyo at maaari ninyong gawin sa amin ang lahat ng inaakala ninyong mabuti sa inyo."
11
Kinabukasan, inilagay ni Saul ang taong-bayan sa tatlong pangkat. Nang sila'y pumasok sa gitna ng kampo nang mag-umaga na, at pinatay ang mga Ammonita hanggang sa kainitan ng araw. Ang mga nalabi ay nangalat, anupa't walang dalawang naiwang magkasama.
12
At sinabi ng taong-bayan kay Samuel, "Sino ba ang nagsabi, 'Maghahari ba si Saul sa amin?' Dalhin dito ang mga taong iyon upang aming patayin sila."
13
Ngunit sinabi ni Saul, "Walang taong papatayin sa araw na ito, sapagkat ngayo'y gumawa ang PANGINOON ng pagliligtas sa Israel."
14
Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel sa taong-bayan, "Halikayo at tayo'y pumunta sa Gilgal, at doon ay ating ibabalik ang kaharian."
15
At ang buong bayan ay pumunta sa Gilgal at doo'y ginawa nilang hari sa Gilgal si Saul sa harapan ng PANGINOON. Doon ay nag-alay sila ng handog pangkapayapaan sa harapan ng PANGINOON. Si Saul at ang lahat ng mga lalaki ng Israel ay labis na nagalak doon.
← Chapter 10
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 12 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31