bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Deuteronomy 27
Deuteronomy 27
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 26
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 28 →
1
Pagkatapos, si Moises at ang matatanda sa Israel ay nag-utos sa taong-bayan, na sinasabi, "Tuparin ninyo ang lahat ng utos na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito.
2
Sa araw na iyong tawirin ang Jordan patungo sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos ay maglalagay ka ng malalaking bato, at tatapalan ninyo ng plaster.
3
Isusulat ninyo sa mga ito ang lahat ng mga salita ng kautusang ito kapag ikaw ay tumawid upang pumasok sa lupaing ibinibigay sa iyo ng PANGINOON mong Diyos, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, na gaya ng ipinangako sa iyo ng PANGINOON, ng Diyos ng iyong mga ninuno.
4
Pagtawid mo sa Jordan, ilalagay ninyo ang mga batong ito na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito, sa bundok ng Ebal at iyong tatapalan ng plaster.
5
Doo'y magtatayo ka ng isang batong dambana sa PANGINOON mong Diyos, na hindi gagamitan ng kasangkapang bakal.
6
Iyong itatayo na buong bato ang dambana ng PANGINOON mong Diyos, at maghahandog ka roon ng mga handog na sinusunog sa PANGINOON mong Diyos.
7
Ikaw ay mag-aalay ng mga handog pangkapayapaan at iyong kakainin doon; at ikaw ay magagalak sa harapan ng PANGINOON mong Diyos;
8
at isusulat mo nang malinaw sa mga batong iyon ang lahat ng mga salita ng kautusang ito."
9
Si Moises at ang mga paring Levita ay nagsalita sa buong Israel, na sinasabi, "Tumahimik ka at pakinggan mo, O Israel; sa araw na ito ay naging bayan ka ng PANGINOON mong Diyos.
10
Kaya't sundin mo ang tinig ng PANGINOON mong Diyos, at tuparin mo ang kanyang mga utos at ang kanyang mga tuntunin na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito."
11
Inatasan ni Moises ang bayan ng araw na iyon, na sinasabi:
12
"Pagtawid ninyo sa Jordan, ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Gerizim upang basbasan ang bayan: Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin;
13
at ang mga ito'y tatayo sa ibabaw ng bundok ng Ebal upang sumumpa: Ruben, Gad, Aser, ZebuIon, Dan, at Neftali.
14
Ang mga Levita ay sasagot at magsasalita sa malakas na tinig sa lahat ng mga lalaki sa Israel.
15
" 'Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inukit o inanyuan, isang karumaldumal sa PANGINOON na gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim nainilagay sa isang dako.' At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Amen.'
16
" 'Sumpain ang sumisira ng puri ng kanyang ama o ng kanyang ina.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
17
" 'Sumpain ang mag-aalis ng muhon ng kanyang kapwa.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
18
" 'Sumpain ang magliligaw ng bulag sa daan.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
19
" 'Sumpain ang bumabaluktot ng katarungan para sa dayuhan, sa ulila at sa babaing balo.' At ang buong bayan ay magsasabi, Amen.'
20
" 'Sumpain ang sumisiping sa asawa ng kanyang ama, sapagkat kanyang inililitaw ang balabal ng kanyang ama.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
21
" 'Sumpain ang sumisiping sa alinmang hayop.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
22
" 'Sumpain ang sumisiping sa kanyang kapatid na babae, sa anak ng kanyang ama, o sa anak na babae ng kanyang ina.' At ang buong bayan ay magsasabi, Amen.'
23
" 'Sumpain ang sumisiping sa kanyang biyenang babae.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
24
" 'Sumpain ang pumapatay ng lihim sa kanyang kapwa.' At ang buong bayan ay magsasabi, Amen.'
25
" 'Sumpain ang tumatanggap ng suhol upang pumatay ng isang taong walang sala.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
26
" 'Sumpain ang hindi sumasang-ayon sa mga salita ng kautusang ito upang gawin.' At ang buong bayan ay magsasabi, 'Amen.'
← Chapter 26
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 28 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34