bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Ezekiel 19
Ezekiel 19
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 20 →
1
At ikaw, tumaghoy ka para sa mga pinuno ng Israel,
2
at iyong sabihin: Parang isang babaing leon ang iyong ina! Siya'y humiga sa gitna ng mga leon, na inaalagaan ang kanyang mga anak.
3
Pinalaki niya ang isa sa kanyang mga anak; siya'y naging isang batang leon, at natuto siyang manghuli; siya'y nanlapa ng mga tao.
4
Ang mga bansa ay nagpatunog ng babala laban sa kanya; siya'y dinala sa kanilang hukay; at dinala nila siyang nakakawit sa lupain ng Ehipto.
5
Nang makita niya na siya'y naghintay, at ang kanyang pag-asa ay nawala, kumuha siya ng isa pa sa kanyang mga anak, at ginawa siyang batang leon.
6
Siya'y nagpagala-galang kasama ng mga leon; siya'y naging batang leon, at siya'y natutong manghuli; at nanlapa ng mga tao.
7
At giniba niya ang kanilang mga tanggulan, at sinira ang kanilang mga lunsod; at ang lupain ay natakot, at ang lahat na naroon, sa ugong ng kanyang ungal.
8
Nang magkagayo'y naglagay ang mga bansa ng mga bitag laban sa kanya sa bawat dako; inilatag nila ang kanilang lambat laban sa kanya; dinala siya sa kanilang hukay.
9
Inilagay nila siya sa isang kulungan na may kawit, at dinala nila siya sa hari ng Babilonia; at dinala nila siya sa pamamagitan ng lambat, upang ang kanyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel.
10
Ang iyong ina ay parang ubas sa iyong ubasan na itinanim sa tabi ng tubig, siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig.
11
Ang kanyang pinakamatibay na sanga ay naging setro ng namumuno; ito ay tumaas na tunay, sa makapal na sanga; ito'y namasdan sa kataasan sa karamihan ng kanilang mga sanga.
12
Ngunit ang puno ng ubas ay binunot dahil sa poot, inihagis sa lupa; tinuyo ito ng hanging mula sa silangan; at inalis ang bunga nito, ang kanyang matitibay na sanga ay nabali; at tinupok ng apoy.
13
Ngayo'y inilipat ito ng taniman sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.
14
At lumabas ang apoy sa mga sanga nito, at tinupok ang kanyang mga sanga at bunga, kaya't doo'y walang naiwang matibay na sanga, walang setro para sa isang pinuno. Ito ay panaghoy, at naging panaghoy.
← Chapter 18
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 20 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48