bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Biblia 2001)
/
Psalms 69
Psalms 69
Tagalog (Ang Biblia 2001)
← Chapter 68
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 70 →
1
O Diyos! Ako'y iyong sagipin! Sapagkat ang tubig hanggang sa aking kaluluwa ay nakarating.
2
Ako'y lumulubog sa malalim na putikan, ang mga paa ay walang tuntungan; ako'y dumating sa tubig na malalim, at ang baha ay tumatangay sa akin.
3
Ako'y pagod na sa pagdaing ko; ang lalamunan ko ay nanuyo. Ang mga mata ko'y lumalabo sa kahihintay sa aking Diyos.
4
Higit kaysa mga buhok ng aking ulo ang bilang ng mga namumuhi sa akin ng walang kadahilanan; ang mga nais pumuksa sa akin ay makapangyarihan na mga kaaway kong may kamalian. Anumang hindi ko naman ninakaw ay dapat kong isauli.
5
O Diyos, nalalaman mo ang kahangalan ko; ang mga pagkakamaling nagawa ko'y hindi lingid sa iyo.
6
Huwag nawang mapahiya dahil sa akin ang mga umaasa sa iyo, O Panginoong DIYOS ng mga hukbo; huwag nawang malagay sa kasiraang-puri dahil sa akin ang mga nagsisihanap sa iyo, O Diyos ng Israel.
7
Sapagkat alang-alang sa iyo ay nagbata ako ng kasiraan, at tumakip sa aking mukha ang kahihiyan.
8
Sa aking mga kapatid ako'y naging isang dayuhan, sa mga anak ng aking ina ay isang taga-ibang bayan.
9
Sapagkat ang pagmamalasakit sa iyong bahay ang sa aki'y umubos, at ang mga paghamak ng mga sa iyo'y humahamak sa akin ay nahulog.
10
Nang umiyak ako sa aking kaluluwa na may pag-aayuno, iyon ay naging kahihiyan ko.
11
Nang magsuot ako ng damit-sako, naging bukambibig nila ako.
12
Ang mga umuupo sa pintuang-bayan, ang pinag-uusapan ay ako, at ako ang awit ng mga lasenggo.
13
Ngunit para sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, O PANGINOON, sa isang kaaya-ayang panahon, O Diyos, sa kasaganaan ng iyong tapat na pag-ibig, sagutin mo ako. Sa pamamagitan ng iyong tapat na tulong,
14
sagipin mo ako sa paglubog sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; iligtas mo ako sa aking mga kaaway mula sa tubig na may kalaliman.
15
Ang baha nawa'y huwag akong tangayin, ni ng kalaliman ako man ay lamunin, ni isara ng Hukay ang kanyang bunganga sa akin.
16
O PANGINOON, ako'y iyong sagutin, sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti; ayon sa iyong masaganang awa, bumalik ka sa akin.
17
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa iyong lingkod; sapagkat ako'y nasa kahirapan, magmadali kang sa aki'y sumagot.
18
O lumapit ka sa aking kaluluwa, at ako'y iyong tubusin, dahil sa aking mga kaaway ako'y iyong palayain!
19
Nalalaman mo ang aking kasiraan, ang aking kahihiyan at aking kakutyaan; lahat ng aking mga kaaway ay nasa harapan mo.
20
Ang mga paghamak sa aking puso ay sumira; kaya't ako'y may sakit. Ako'y naghanap ng habag, ngunit wala naman; at ng mga mang-aaliw, ngunit wala akong natagpuan.
21
Binigyan nila ako ng lason bilang pagkain, at sa aking uhaw ay binigyan nila ako ng sukang iinumin.
22
Ang kanila nawang sariling hapag na nasa harapan nila ay maging isang bitag; kung sila'y nasa kapayapaan, ito nawa'y maging isang patibong.
23
Lumabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila'y huwag makakita; at papanginigin mo ang kanilang mga balakang sa tuwina.
24
Ibuhos mo sa kanila ang iyong poot, at ang iyong nag-aalab na galit sa kanila nawa'y umabot.
25
Ang kanilang kampo nawa'y maging mapanglaw; sa kanilang mga tolda wala sanang tumahan.
26
Sapagkat kanilang inuusig siya na iyong hinataw, at isinaysay nila ang sakit nila na iyong sinugatan.
27
Dagdagan mo ng kasamaan ang kanilang kasamaan; at huwag nawa silang dumating sa iyong katuwiran.
28
Mapawi nawa sila sa aklat ng mga nabubuhay, huwag nawa silang makasama ng matuwid sa talaan.
29
Ngunit ako'y nagdadalamhati at nasasaktan, ang iyo nawang pagliligtas, O Diyos, ang magtaas sa akin!
30
Sa pamamagitan ng awit ang pangalan ng Diyos ay aking pupurihin, at sa pasasalamat siya'y aking dadakilain.
31
Ito'y makakalugod sa PANGINOON ng higit kaysa baka, o sa toro na may mga sungay at mga paa.
32
Nakita ito ng mapagkumbaba at sila'y natuwa, ikaw na naghahanap sa Diyos, ang puso mo'y muling mabuhay nawa.
33
Sapagkat dinirinig ng PANGINOON ang kinakapos, at hindi hinahamak ang sariling kanya na nakagapos.
34
Purihin nawa siya ng langit at ng lupa, ng mga dagat, at ng lahat ng gumagalaw roon.
35
Sapagkat ililigtas ng Diyos ang Zion, at muling itatayo ang mga lunsod ng Juda; at ang mga lingkod niya ay maninirahan doon, at aangkinin iyon;
36
ang mga anak ng kanyang mga lingkod ang magmamana niyon, at silang umiibig sa kanyang pangalan ay maninirahan doon.
← Chapter 68
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 70 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
86
87
88
89
90
91
92
93
94
95
96
97
98
99
100
101
102
103
104
105
106
107
108
109
110
111
112
113
114
115
116
117
118
119
120
121
122
123
124
125
126
127
128
129
130
131
132
133
134
135
136
137
138
139
140
141
142
143
144
145
146
147
148
149
150