bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
/
Jeremiah 12
Jeremiah 12
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 13 →
1
Ikaw ay matuwid, Yahweh, at kung ako ma'y mangatwiran, mapapatunayan mong ikaw ay tama. Ngunit bayaan mong magtanong ako. Bakit nagtatagumpay ang masasamang tao? At ang mandaraya ay umuunlad?
2
Sila'y itinatanim mo at nag-uugat, lumalago at namumunga. Maganda ang sinasabi nila tungkol sa iyo subalit malayo ka sa kanilang mga puso.
3
Ngunit ako, Yahweh, ay iyong kilala; nakikita mo ako, ang mga ginagawa ko, nasa iyo ang puso ko. Hilahin mo ang mga taong ito, gaya ng mga tupang kakatayin; ihiwalay mo sila hanggang sa sandali na sila ay patayin.
4
Hanggang kailan pa mananatiling tigang ang lupain, at tuyot ang mga damo sa parang? Nagkakamatay na ang mga ibon at mga hayop dahil sa kasamaan ng mga tao doon. At sinasabi pa nila, “Hindi niya nakikita ang aming ginagawa.”
5
At sumagot si Yahweh, “Jeremias, kung hindi ka makatagal sa pakikipaghabulan sa mga taong ito, paano ka makikipagpaligsahan sa mga kabayo? Kung ika'y nadarapa sa patag na lupain, paano ka makakatagal sa kagubatan ng Jordan?
6
Kahit na ipinagkanulo ka ng iyong mga kapatid at sariling kamag-anak, at kasama sila sa panunuligsa sa iyo. Huwag kang magtitiwala sa kanila bagama't magaganda ang kanilang sinasabi sa iyo.”
7
Sinasabi ni Yahweh, “Pinabayaan ko na ang aking bayan, itinakwil ko na ang bansang aking hinirang. Ang mga taong aking minahal ay ibinigay ko na sa kamay ng kanilang mga kaaway.
8
Lumaban sa akin ang aking bayan, tulad ng mabangis na leon sa kagubatan; nagtataas sila ng kanilang tinig laban sa akin, kaya kinamumuhian ko sila.
9
Ang bayang pinili ko'y tulad sa isang ibong pinagtutulungan ng mga ibong mandaragit. Tawagin ang lahat ng mababangis na hayop, at makisalo sa kanyang bangkay!
10
Sinira ng maraming pinuno ang aking ubasan, pati ang aking kabukiran ay kanilang sinagasaan; ang aking magandang lupain, ngayon ay wala nang mapapakinabangan.
11
Wala nang halaga ang buong lupain; tigang na tigang sa aking harapan. Ang bayan ngayon ay isa nang ilang, at walang nagmamalasakit na sinuman.
12
Mula sa kahabaan ng maburol na ilang ay lumusob ang mga mandarambong. Pinalaganap ko ang digmaan upang mawasak ang buong bayan; at walang sinuman ang makakaligtas.
13
Naghasik ng trigo ang mga tao, ngunit tinik ang inani; nagpakahirap sila sa paggawa, subalit wala silang pinakinabangan. Wala silang inani sa kanilang itinanim dahil sa matinding galit ko sa kanila.”
14
Ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa masasamang naninirahan sa paligid ng Israel, mga taong nanira sa lupaing ipinamana niya sa kanyang bayan: “Aalisin ko ang mga taong ito sa kanilang bansa, gaya ng halamang binubunot sa lupa. At ililigtas ko ang Juda sa kanilang pananakop.
15
Subalit matapos ko silang alisin, sila'y aking kahahabagan. Ibabalik ko sa kani-kanilang sariling lupain ang bawat bayan.
16
At kung buong puso nilang tatanggapin ang pananampalataya ng aking bayan at kung matututo silang manumpa nang ganito: ‘Saksi si Yahweh’, ang Diyos na buháy gaya ng itinuro nila sa aking bayan na pagsumpa kay Baal—sila ay mapapabilang sa aking bayan at uunlad ang kanilang pamumuhay.
17
Subalit ang alinmang bansang hindi susunod sa akin ay bubunutin at lubos kong wawasakin. Akong si Yahweh ang maysabi nito.”
← Chapter 11
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 13 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52