bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
/
Numbers 1
Numbers 1
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 2 →
1
Noong unang araw ng ikalawang buwan matapos umalis sa Egipto ang sambayanang Israel, si Yahweh ay nangusap kay Moises habang siya'y nasa loob ng Toldang Tipanan na noo'y nasa ilang ng Sinai. Ang sabi ni Yahweh,
2
“Magsagawa ka ng isang sensus. Bilangin at ilista ninyo ang pangalan ng buong sambayanan ng Israel ayon sa kani-kanilang angkan at lipi. Ilista ninyo ang lahat ng lalaki
3
mula sa gulang na dalawampu pataas, lahat ng maaari nang lumaban sa digmaan. Magpatulong ka kay Aaron
4
at sa pinuno ng bawat angkan.”
5
Ito ang mga pinuno ng bawat lipi na tutulong sa iyo: Lipi Pinuno Ruben Elizur na anak ni Sedeur Simeon Selumiel na anak ni Zurisadai Juda Naason na anak ni Aminadab Isacar Nathanael na anak ni Zuar Zebulun Eliab na anak ni Helon Efraim Elisama na anak ni Amiud Manases Gamaliel na anak ni Pedazur Benjamin Abidan na anak ni Gideoni Dan Ahiezer na anak ni Amisadai Asher Pagiel na anak ni Ocran Gad Eliasaf na anak ni Deuel Neftali Ahira na anak ni Enan
6
Ang mga taong nabanggit ay isinama nina Moises at Aaron,
7
at noong unang araw ng ikalawang buwan, tinipon nila ang lahat ng Israelita. Itinala nila ang lahat ng lalaki mula sa gulang na dalawampu pataas, ayon sa kani-kanilang lipi.
8
Ginawa nila ito sa ilang ng Sinai, ayon sa utos ni Yahweh.
9
Ito ang kanilang naitala: Lipi Bilang Ruben 46,500 Simeon 59,300 Gad 5,650 Juda 74,600 Isacar 54,400 Zebulun 57,400 Efraim 40,500 Manases 32,200 Benjamin 35,400 Dan 62,700 Asher 41,500 Neftali 53,400
10
Lahat ng lalaki sa Israel mula sa dalawampung taon pataas at maaaring isama sa hukbo upang makidigma ay itinala nga nina Moises at Aaron. Sila ay tinulungan ng labindalawang pinuno na mula sa bawat lipi ng Israel.
11
Ang kabuuang bilang ay 603,550.
12
Ang mga Levita ay hindi kabilang sa sensus na ito 48sapagkat ganito ang bilin ni Yahweh kay Moises: 49“Huwag mong isasama sa sensus ng Israel ang mga Levita. 50Sa kanila mo ibibigay ang tungkulin ng paglilingkod sa Toldang Tipanan. Itatayo nila ang kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan at sila ang bubuhat nito pati ang mga kasangkapan nito. 51Kung kailangang tanggalin ang tabernakulo, sila ang magtatanggal at kung kailangang itayong muli, sila rin ang magtatayo. At sinumang lumapit sa tabernakulo liban sa kanila ay dapat patayin. 52Ang mga lipi ng Israel ay magtatayo ng kanya-kanyang tolda sa ilalim ng kani-kanilang watawat. 53Ang mga Levita naman ay magtatayo ng kanilang mga tolda sa paligid ng Toldang Tipanan para walang ibang makalapit dito, sapagkat kapag may ibang lumapit dito, tiyak na paparusahan ko ang buong Israel. Ang mga Levita nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan.” 54Ang lahat ng mga utos na ito ni Yahweh ay sinunod ng mga Israelita.
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 2 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36