bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
/
Proverbs 5
Proverbs 5
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 6 →
1
Aking anak, karununga'y pakinggan mong mabuti, pakinig mo ay ikiling sa aking sinasabi.
2
Sa gayo'y magagawa mo ang mabuting pagpapasya, at ang bawat sabihin mo'y kaalaman ang ibabadya.
3
Pagkat labi ng haliparot ay sintamis nitong pulot, at ang kanyang mga halik, kasiyahan nga ang dulot.
4
Ngunit pagkatapos mong magpasasa sa alindog, hapdi, kirot ang kapalit ng kaunti niyang lugod.
5
Ang kanyang mga hakbang ay tungo sa kamatayan, daigdig ng mga patay, ang landas na hahantungan.
6
Pagkat di niya siniyasat daang patungo sa buhay, ang daan niya'y liku-liko, ni hindi niya ito nalalaman.
7
Kaya nga, aking anak, sa akin ay makinig, huwag lilimutin, salita ng aking bibig.
8
Lumayo ka sa babaing masama ang pamumuhay, ni huwag kang lalapit sa pinto ng kanyang bahay.
9
Baka dangal mo'y sirain at angkinin pa ng iba, sa kamay ng masasama ay mamatay kang maaga.
10
Ang yaman mo'y uubusin ng taong di mo kilala, mga pinagpaguran mo, makikinabang ay iba.
11
Kung magkagayon, wakas mo ay anong saklap, walang matitira sa iyo kundi buto't balat.
12
Dito mo nga maiisip: “Dangan kasi'y di ko pansin ang kanilang pagtutuwid, puso ko ay nagmatigas, sinunod ang aking hilig.
13
Ang tinig ng aking guro ay hindi ko dininig, sa kanilang katuruan, inilayo ang pakinig.
14
At ngayon ay narito ang abâ kong kalagayan, isang kahihiyan sa ating lipunan.”
15
Ang dapat ay maging tapat sa asawang minamahal, at ang tangi mong pag-ibig, iukol sa kanya lamang.
16
Kung ika'y magkaanak sa babaing di asawa, walang buting idudulot, manapa nga ay balisa.
17
Anak mo'y dapat lumaki nang ikaw ay matulungan, upang hindi do'n sa iba iasa ang iyong buhay.
18
Kaya nga ba't mahalin mo ang kabiyak ng iyong buhay, ang ligaya ay lasapin sa mabango niyang kandungan.
19
Mabait siya at mahinhin, babaing kaakit-akit, ligaya mo'y nasa kanya sa pitak ng kanyang dibdib.
20
Sa ibang babae ay huwag ka sanang paaakit, ni huwag mong papansinin makamandag niyang halik.
21
Ang paningin ni Yahweh sa tao'y di iniaalis, laging nakasubaybay, bawat oras, bawat saglit.
22
Kasamaan ng isang tao ay bitag na nakaumang, siya ang magdurusa sa sariling kasalanan.
23
Pagkat walang pagpipigil, siya ay mamamatay at dahil sa kamangmangan, hantungan niya'y sa libingan.
← Chapter 4
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 6 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31