bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Genesis 49
Genesis 49
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 48
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 50 →
1
Ipinatawag ni Jacob ang kanyang mga anak at sinabi, “Lumapit kayo sa akin, at sasabihin ko sa inyo ang mangyayari sa inyo sa hinaharap:
2
“Kayo mga anak, magsilapit sa akin, akong inyong ama ay sumandaling dinggin.
3
“Si Ruben ang aking panganay na anak, sa lahat kong supling ay pinakamalakas;
4
mapusok ang loob, baha ang katulad, bawat madaanan ay sumasambulat. Sa kabila nito'y hindi ka sisikat, hindi mangunguna, hindi matatanyag; pagkat ang ama mo ay iyong hinamak, dangal ng aliping-asawa ko ay iyong winasak.
5
“Simeon at Levi na magkapatid, ang sandata ninyo'y ipinanlulupig;
6
sa usapan ninyo'y di ako sasali, sa inyong gawain, hindi babahagi. Kapag nagagalit agad pumapatay, lumpo pati hayop kung makatuwaan.
7
Kayo'y susumpain, sa bangis at galit, sa ugali ninyo na mapagmalabis; kayo'y magkawatak-watak sa buong lupain, sa buong Israel ay pangangalatin.
8
“Ikaw naman, Juda, ay papupurihan niyong mga anak ng ina mong mahal, hawak mo sa leeg ang iyong kaaway, lahat mong kapatid sa iyo'y gagalang.
9
Mabangis na leon ang iyong larawan, muling nagkukubli matapos pumatay; ang tulad ni Juda'y leong nahihimlay, walang mangangahas lumapit sinuman.
10
Setrong sagisag ng lakas at kapangyarihan sa kanya kailanma'y hindi lilisan; mga bansa sa kanya'y magkakaloob, mga angkan sa kanya'y maglilingkod.
11
Batang asno niya doon natatali, sa puno ng ubas na tanging pinili; mga damit niya'y doon nilalabhan, sa alak ng ubas na lubhang matapang.
12
Mata'y namumula dahilan sa alak, ngipi'y pumuputi sa inuming gatas.
13
“Sa baybaying-dagat doon ka, Zebulun, ang sasakyang-dagat sa iyo kakanlong; ang iyong lupai'y aabot sa Sidon.
14
“Malakas na asno ang katulad mo, Isacar, ngunit sa kulungan ka maglulumagak.
15
Nang kanyang makita iyong pahingahan, ang lupain doo'y tunay na mainam, tiniis na niyang makuba sa pasan, nagpaalipin na kahit mahirapan.
16
“Si Dan ay magiging isang pangunahin, katulad ng ibang pinuno ng Israel.
17
Ahas na mabagsik sa tabi ng daan, na handang tumuklaw sa kabayong daraan; upang maihulog iyong taong sakay.
18
“Sa pagliligtas mo, O Diyos, ako'y maghihintay.
19
“Haharangin si Gad ng mga tulisan, lalabanan niya at magtatakbuhan.
20
“Ang bukid ni Asher ay pag-aanihan ng mga pagkain ng taong marangal.
21
“Si Neftali naman ay tulad ng usa, malaya't ang dalang balita'y maganda.
22
“Si Jose nama'y baging na mabunga. Sa tabi ng bukal nakatanim siya, paakyat sa pader ang pagtubo niya.
23
Mga mangangaso ang nagpapahirap, hinahabol siya ng palaso't sibat.
24
Subalit ang iyong busog ay mananatiling malakas, ang iyong mga bisig ay palalakasin, ang dahilan nito'y ang Diyos ni Jacob, pastol ng Israel, matibay na muog.
25
Diyos ng iyong ama'y siyang sasaklolo, ang Makapangyarihang Diyos magbabasbas sa iyo. Magbuhat sa langit, bubuhos ang ulan, malalim na tubig sa lupa'y bubukal; dibdib na malusog, pati bahay-bata'y pagpapalain di't kanyang babasbasan.
26
Darami ang ani, bulaklak gayon din, maalamat na bundok ay pagpapalain; pati mga burol magkakamit-aliw. Pagpapalang ito nawa ay makamit ni Joseng nawalay sa mga kapatid.
27
“Tulad ni Benjami'y lobong pumapatay, sumisila ito ng inaalmusal. Kung gabi, ang huli'y pinaghahatian.”
28
Ito ang labindalawang anak ni Israel, at gayon sila binasbasan ng kanilang ama ayon sa basbas na angkop sa kanila.
29
Pagkatapos, sinabi ni Jacob sa kanyang mga anak, “Ngayo'y papanaw na ako upang makasama ng mga ninunong namayapa na. Doon ninyo ako ililibing sa pinaglibingan sa aking mga magulang, sa yungib sa bukid ni Efron na Heteo.
30
Ang libingang iyo'y nasa Macpela, sa silangan ng Mamre, sa may Canaan. Binili iyon ni Abraham,
31
at doon siya inilibing pati ang kanyang asawang si Sara. Doon din inilibing ang mag-asawang Isaac at Rebeca, at doon ko rin inilibing si Lea.
32
Ang bukid at yungib na iyon ay binili nga sa mga Heteo.”
33
Matapos masabi ang lahat ng ito, siya ay humimlay at namatay.
← Chapter 48
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 50 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50