bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Hosea 6
Hosea 6
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 5
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 7 →
1
“Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot.
2
Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo; sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon, upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan.
3
Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman.”
4
“Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi.
5
Kaya nga, pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta, at pinagpapatay sa pamamagitan ng aking mga salita; simbilis ng kidlat ang katuparan ng aking hatol.
6
Sapagkat wagas na pag-ibig ang nais ko at hindi handog, pagkilala sa Diyos sa halip na handog na sinusunog.
7
“Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag-ibig.
8
Ang Gilead ay lunsod ng mga makasalanan, tigmak sa dugo ang mga lansangan nito.
9
Nagkakaisa ang mga pari, parang mga tulisang nag-aabang sa bibiktimahin. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem; mabigat na kasalanan ang ginagawa nila.
10
Kahindik-hindik ang nakita ko sa sambahayan ni Israel. Ang Efraim ay nalulong na sa kalaswaan; ang Israel naman ay nahandusay sa putikan.
11
“Nakatakda na rin ang parusa sa iyo, Juda, sa sandaling ibalik ko ang kasaganaan ng aking bayan.
← Chapter 5
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 7 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14