bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
/
Jonah 2
Jonah 2
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
← Chapter 1
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 3 →
1
Habang si Jonas ay nasa tiyan ng isda, nanalangin siya ng ganito:
2
“Yahweh, nang ako'y nasa kagipitan, nanalangin ako sa inyo, at sinagot ninyo ako. Mula sa daigdig ng mga patay ako'y tumawag sa inyo, at dininig ninyo ako.
3
Itinapon ninyo ako sa kalaliman; sa pusod ng karagatan. Nabalot ako ng malakas na agos ng tubig, at malalaking alon ang sa akin ay tumabon.
4
Akala ko'y malayo na ako sa inyo, at hindi ko na kailanman makikitang muli ang banal mong Templo.
5
Hinigop ako ng kalaliman, hanggang sa tuluyang lumubog; napuluputan ang aking ulo ng mga halamang dagat.
6
Ako'y bumabâ sa paanan ng mga bundok, sa libingan ng mga patay. Ngunit mula roo'y buháy akong iniahon, O Yahweh.
7
Nang maramdaman kong malalagot na ang aking hininga, naalala ko kayo, Yahweh. Ako'y nanalangin, at mula sa banal ninyong Templo, ako'y inyong narinig.
8
Ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi naging tapat sa inyo.
9
Ngunit aawit ako ng pasasalamat at sa inyo'y maghahandog; tutuparin ko ang aking mga pangako, O Yahweh na aking Tagapagligtas!”
10
Pagkatapos, inutusan ni Yahweh ang isda na iluwa si Jonas sa dalampasigan.
← Chapter 1
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 3 →
All chapters:
1
2
3
4