bible
ra
🌐 Language
English
Español
Français
Deutsch
Português
Italiano
Nederlands
Русский
中文
日本語
한국어
العربية
Türkçe
Tiếng Việt
ไทย
Indonesia
All Languages
Home
/
Tagalog
/
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
/
Isaiah 26
Isaiah 26
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
1
Sa mga araw na iyon ang awit na itoʼy aawitin sa Juda: Matatag na ang ating lungsod! Ang Pagliligtas ng Dios ay parang pader na nakapalibot sa atin.
2
Buksan ang mga pintuan ng lungsod para makapasok ang bansang matuwid at tapat sa Panginoon.
3
Panginoon, bigyan nʼyo nang lubos na kapayapaan ang taong kayo lagi ang iniisip dahil nagtitiwala siya sa inyo.
4
Magtiwala kayong lagi sa Panginoon, dahil siya ang ating Bato na kanlungan magpakailanman.
5
Ang totoo, ibinabagsak niya ang mga mapagmataas. Winawasak niya ang kanilang lungsod hanggang sa madurog sa lupa.
6
At itoʼy tinatapak-tapakan ng mga dukha na kanilang inapi.
7
Patag ang daan ng taong matuwid, at kayo, Panginoong matuwid, ang nagpatag nito.
8
Panginoon, sinunod namin ang inyong mga utos, at nagtiwala kami sa inyo. Hangad namin na kayo ay aming maparangalan.
9
Buong puso kitang hinahanap-hanap kapag gabi. Kung hahatulan nʼyo ang mga tao sa mundo, matututo silang mamuhay nang matuwid.
10
Kahit kinaaawaan nʼyo ang masasama, hindi pa rin sila natututong mamuhay nang matuwid. Kahit na naninirahan silang kasama ng mga matuwid, patuloy pa rin sila sa kanilang gawaing masama, at hindi nila kinikilala ang inyong kapangyarihan.
11
Panginoon, nakahanda na po kayong magparusa sa kanila, pero hindi nila alam. Ipaalam nʼyo sa kanila, Panginoon Ilagay nʼyo po sila sa kahihiyan. Ipakita nʼyo sa kanila kung gaano nʼyo kamahal ang iyong mga mamamayan. Lipulin nʼyo po sa pamamagitan ng inyong apoy ang inyong mga kaaway.
12
Panginoon, ilagay nʼyo po kami sa mabuting kalagayan, sapagkat ang lahat ng aming nagagawa ay nagagawa namin sa tulong ninyo.
13
Panginoon na aming Dios, pinamahalaan kami ng ibang panginoon, pero kayo lang ang aming sinasamba.
14
Patay na sila ngayon at hindi na mabubuhay pa. Pinarusahan nʼyo sila at pinatay para malimutan at hindi na maaalala pa.
15
Panginoon, pinalawak nʼyo ang aming bansa. Pinalapad nʼyo ang aming mga hangganan, at itoʼy nagbigay ng karangalan sa inyo.
16
Panginoon, pinarusahan nʼyo ang iyong mga mamamayan, at sa kanilang mga paghihirap ay dumulog at tumawag sila sa inyo.
17
Panginoon, kitang-kita nʼyo ang aming paghihirap. Tulad kami ng isang babaeng nanganganak, na napapasigaw dahil sa tindi ng sakit.
18
Dumaing kami dahil sa hirap, pero wala rin kaming iniluwal. Wala kaming nagawa para iligtas ang lupain namin, at hindi rin namin nalipol ang mga taong kaaway namin dito sa mundo.
19
Pero muling mabubuhay ang inyong mga mamamayang namatay. Babangon ang kanilang mga bangkay at aawit sa galak. Kung papaanong ang hamog ay nagpapalamig ng lupa, kayo rin Panginoon ang muling bubuhay sa mga patay.
20
Mga kababayan, pumasok kayo sa inyong mga bahay at isara ninyo ang inyong mga pintuan. Magtago muna kayo hanggang sa mawala ang galit ng Panginoon.
21
Sapagkat darating na siya mula sa kanyang tirahan para parusahan ang mga tao sa mundo dahil sa kanilang mga kasalanan. Ilalabas ng lupa ang mga taong pinatay, at hindi na niya itatago pa.
← Chapter 25
Jump to:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 27 →
All chapters:
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66